Martes, Agosto 23 2011

Minsan ang tao ay masaya
Minsan ay malungkot
Madalas ay poker face

Kaninang umaga, "Mga taong hindi alam ang salitang time and space hahaha naku kung hindi ko lang... Inaway ko na yun haha sige pasok na ko! Ingat ka!" Reply ko, "Bigay mo na lang sa kaibigan ko, magpapasagasa na kasi sya, dahil wala syang boypren." Nakakatuwa sila, yung isa problema yung nanliligaw, yung isa walang nanliligaw. Kawawa sila dahil problemado sila, kala ko lang pala 'yon. Mas kawawa pala ako, HAHA! Kawawa ako dahil hindi ko alam ang problema ko pero alam kong may problema ako. Hindi ako nagsasalita simula 4 hours bago ko ipost to.

Habang nakatulala ako kanina, naramdaman ko yung lungkot. Lungkot dahil may isang bagay na nawala sayo, na kahit kailan hindi mo na maibabalik o mapapalitan.

Kakalimutan ko muna sandali ang kalungkutan ko.Para bago ko umuwi may blog na naman ako na baka una at huling post na to, haha.

Sa mga nakalipas na araw naging love doctor ako at consultant.

Sya ang nagtanong sakin kung paano nya sasabihin sa magulang nya  na bumagsak sya sa midterm exam. Dahil magaling akong tao, ang sabi ko sa kanya, "sympre magsasalita ka" Lupet talaga haha!

Sya naman ang nagtanong din sakin kung bakit lahat na lang ng nagustuhan nya ayaw sa kanya.
Bakit sa 17 years ng buhay nya single sya. Kung ako ang lumikha ng lahat
gagawin ko na syang totoong langaw para naman matupad na ang pangarap nya.

Bigla ko ng naisip kung ano ang problema ko. P A G KA I N. Hindi kakulangan sa pagkain, kundi kakulangan sa food intake :/ Feeling ko hindi ako masaya dahil lagi akong hindi kumakain sa tamang oras. Minsan walang breakfast dahil late na gumigising, minsan ang lunch 4pm, 5pm, o kaya sabay nang lunch sa dinner. HAHA. Kapag sinusubukan kong kumain ng madami, hindi ko talaga kaya, dahil nararamdaman ko na isusuka ko na lahat ng kinain ko. Parang kelangan ko pa mabuhay ng matagal para sa mga tao na tulad NILA =))

Time check 17:56.
Medyo maaga pa kaya hindi pa ko uuwi. Tuloy ang kwento. Kaninang after lunch, inabutan ako ng ulan, sympre wala akong payong. Kahit alam kong nababasa na ko hindi pa din ako tumatakbo, haha! Mas okay nga siguro mabasa kaysa madapa :) Dapat tapos na yung post na to kaya lang ang ganda ng nabasa ko, "jen marte thought hard" HAHAHA! Hindi ko pa alam kung paano aalisin yun. Para tuloy ang bobo ko, haha.

Dapat papakinggan ko yung siakol na sinabi nya kaya lang.. Hindi ko marinig gamit ang karag na computer na to, hahaha! Kahit idikit ko sa tenga ko hindi ko talaga marinig. Napag- usapan na din ang tenga, may nakapansin na ng tenga ko :( Kaya medyo nalungkot ako kanina bago kumain. Nakalimutan ko kasi takpan :( 


Jen Marte thought hard on 03:00.