Miyerkules, Setyembre 07 2011
Last na to :(

Intramurals 2011

Unang araw ng laro namin. Sobrang kaba, hindi ko alam kung ano mangyayari sakin, wala ako sa mood dahil hindi daw ako board one (board ng captain). Pero last minute ako na yung ginawang board one. Unang kalaro namin College of Architecture and Fine Arts. Nagulat ako sa board two nila kamukha ni sa*t*y, ako daw nakalaro nya last year, at board three sya. Umasa na lang sya board one din ako last year ;) Okay. Simula ng laro hindi ako mapakali, inom ako ng inom kasi naman unang laro at ayoko matalo. Hindi ako natalo :) nakangiti ako na lumabas ng chess institute. 

Sa five games ko,isang beses lang ako natalo. Hindi ako proud na isa lang ang talo ko, kasi isa lang ang lamang ng kalaban namin samin kaya hindi kami nakalaro sa semis :( sobrang lungkot. Lahat ginawa ko para manalo, kahit mahirap. 

Cafa 3 points, kami 2.5. Sobrang saklap, akala ko mananalo na kami. Gusto ko sisihin yung mga kasama ko, last game namin ako lang ang nanalo :/ Akala talaga, nakakasakit. Hay, sabi nga nila, sino ba naman ang may gusto na matalo. 

Last game ko na to. Sa totoo nasasaktan ako sa nangyari samin, hindi ko lang pinapahalata. Wala na kong next year :/  Ang naging goal ko ngayon, magkalaban ulit kami nung engineering, pero naging hanggang tingin na lang. pag naglalaro ako nakatingin sya, pag naglalaro sya nakatingin ako.

Hay. Kailangan magmove on na ko. Hindi lang dapat ako yung magaling, kung ako lang hindi kami mananalo :/


Jen Marte thought hard on 00:28.